Sawa na akong magwhine. Kaso di ko mapigilan.
Malapit ko na ngang palitan si Archie (ang nag-iisang "Reklamador ng Bayan.")
Sawa na rin akong magpalit ng show. Kaso… wala lang.
Sana mapagtiyagaan pa nila ako. Sana rin kayanin ko pa.
Nabasa ko pala yung blog ng kaibigan ko. Aalis na pala siya.
She’s "giving up her passion" for "practical needs" Nainip na.
Sabi niya, darating ang araw na tatanda siya, magiging "brittle ang bones".
Kakayanin pa kaya niya magtatakbo-takbo at mangulit ng mga reporters non?
At may matatakbuhan naman daw ba siyang "medical benefits" kung sakali?
Ang totoo matanda na ako. Nagpipilit lang akong maging bata.
Pag tinatanong ako noon sa kung ilang taon na ako, sinasabi ko 19 kahit 21 na ako.
Ngayon, kahit ata sabihin kong 25 ako, walang maniniwala. Ang totoo 24 pa lang ako.
Sabi ng isa ko pang kaibigan, nakakatanda raw talaga sa trabaho.
24 na pala ako. Bakit pakiramdam ko wala pa akong nararating?
Tama siguro si Lyndon Gregorio, yung creator ng Beerkada.
Parang treadmill ang buhay, nakakapagod pero wala kang pinatutunguhan.
O baka ako lang?
I am enjoying best of both worlds. Ang trabaho ko parang public affairs pero nasa news.
Kaya siguro pakiramdam ko hindi ako makausad.
Kumbaga nasa "forkroad", hindi makapili kung kanan o kaliwa.
Masaya ako noon. Yung inalisan kong posisyon nang umalis ako sa kumpanya, nabalikan ko pa.
Pakiramdam ko kasi noon, iniwan ko yung "peak ng career" ko.
Ganon pa rin pakiramdam ko ngayon, nasa "peak" ako ng career ko.
Wala na kasing mas tataas. From here, everything goes downwards.
Nakakalungkot na perspective pero mukhang totoo. Wala nang next step.
Nakapako lang ako dito tapos tatanda ng ganito.
Tinanong ako minsan kung masaya pa ba ako. Madaling sagutin yon dati.
May goal ako non. Gusto ko makapagkwento ng maayos at mahusay. Gusto kong makatulong.
Ganon pa rin ngayon, pero may mas dapat akong intindihin.
Isang goal lang, makapagproduce ng isang storya kada linggo. Kahit ano. Imagine, kahit ano?
Hindi ko nagagawa yun. Kaya kada linggo, tumatanda ako.
Yung sagot ko sa tanong…
Wala naman akong magagawa eh. Eto lang yung alam kong gawin. Wala akong choice.
Nalungkot ako ng isagot ko yun. Nagulat ako pero yung kausap ko hindi na nagulat.
Noon lang ako nahimasmasan, pakiramdam ko pala nakatali ako.
Natuwa ako para sa kaibigan ko.
Nakakalungkot na iiwanan niya ang kanyang "passion" for "practical needs".
Nalungkot ako kasi halos magkasabay kami nagsimula sa media.
Buhay na buhay kami noon. Kahit pa pangarap lang ang bumubuhay sa amin.
Pwede nga akong magtrabaho non ng libre eh. Nakakuha pa ng P2,500 sa isang pay period.
Pero tulad ng sabi ng kaibigan ko, tumatanda na kami.
May mga pangangailangang kailangang tugunan, hindi lang financially kundi career-wise din.
Nalulungkot ako, naluluha pa nga, kasi ako man nasa ganung kalagayan at ako man pasuko na.
Pero natutuwa ako dahil nakaalis siya. Sabi niya sa akin, may choice ka, may mapupuntahan ka pa.
Natuwa ako kasi totoo yun. Napatunayan na niya.
Sa totoo lang ayokong umalis. Ayoko na. Sawa na ako.
Pero nagsasawa na rin ako sa pangangarap ko.
Kung wala ring pupuntahan, anong ginagawa ko dito?
6 responses so far ↓
1 Jo-Harri // Oct 17, 2006 at 12:59 am
May pupuntahan ka pa naman eh.
Find ways to up yourself.
Hindi pa panahon para mapagod Jeco. Ako nga magsisimula pa lang at medyo may doubts na ako, pero nakaisip naman me ng back-up plan.
Siguro naman may back-up plan ka din.
2 Jeco // Oct 17, 2006 at 8:14 am
as much as possible kasi ayoko ng backup. i want this to workout. kakabasa kasi ng alchemist, nangangarap pa ring maabot ang personal legend.
3 rOx // Oct 18, 2006 at 7:51 am
waaaahhh… nakaka-relate ako sayo, jeco!
4 Jo-Harri // Oct 23, 2006 at 7:39 am
Eh kung gusto mo pala iwork out yan, then stop worrying on what others people might say.
Ako naman, kakabasa lang ng Follow your Heart ni Andrew Matthews.
Di man siya rewarding for m\now, I hope that in the future it will. Kung yan ang risk na gusto mo piliin then take it, kung naniniwala ka sa desisyon mo.
Ako I’ve taken my own risks by going to Palawan, kahit other people says that I should do otherwise.
5 vanessa // Nov 5, 2006 at 1:22 am
ang lungkot ‘no. to give up your passion for practical reasons. ako i gave up my passion long time ago, nakita ko na kasi na i don’t have a good future in it.
it depends on your goal in life. sabi nga ng kaibigan ko, piliin mo kung ano yung gusto mong gawin for the rest of your life. nakakatakot kasi “for the rest of your life” na ang pinag-uusapan.
basta kung saan ka masaya, dun ka. if you choose to leave, im sure may mapupuntahan ka. siguro nasabi mo lang na yan lang ang alam mong gawin because you haven’t tried other things. don’t be afraid to explore. after all, life is all about risks.
6 Dominic // Nov 21, 2006 at 8:11 pm
Follow your bliss.
Leave a Comment